Rochelle Porras, Executive Director
Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER)
October 10, 2019, College of Science, University of the Philippines
Buong teksto ng mensahe para sa pagtanggap sa booklet ng People Economics.
Ang aming misyon at institusyonal na mandato sa EILER ay pagyamanin ang kamulatang pampulitika ng mga manggagawa sa pamamagitan ng gawaing edukasyon at pananaliksik sa paggawa. Gayundin, ay itaguyod ang kapakanan, karapatan, at inisyatiba nila, upang sila ay kritikal at masiglang lumahok sa pagpapanday ng tunay na pagbabagong panlipunan.
Sa ngalan ng board of trustees at staff ng EILER, isang karangalan ang pagtanggap sa booklet ng People Economics.
Nitong Hunyo ay inilabas ng International Trade Union Council o ITUC ang Global Rights Index 2019 kung saan kasama ang Pilipinas sa top 10 worst countries for workers. Bilang tugon sa tumitinding atake sa mga manggagawa at unyonista, kahapon ay pormal na itinatag ang Labor Rights Defenders Network ng mga labor NGOs, taong-simbahan, mga alagad ng sining, abogado, at iba pang prupesyunal kasama ang mga miyembro ng akademya. Nakakaalarma. Hindi bababa sa 45 manggagawa’t unyonista na ang pinatay sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon. Kundi man pinatay ay nakamamatay naman ang napakababang sahod. Milyon ang bilang ng manggagawang kontraktwal at nasasadlak ang mga kabataan at kababaihan sa kawalan ng disenteng trabaho at impormal na paggawa. Bunsod ito ng mga neoliberal na polisiya at maka-dayuhang industriya kung saan ang namamayaning interes ay tubo mula sa iilan. Malalang ekonomiya nga mismo! Kaya naman timely, relevant at powerful ang publikasyong People Economics.
Neoliberalism has failed. Now more than ever, we must mainstream and participate in the alternative, one that is towards sustainable environment and sustainable economy, where industries serve the interest of the marginalized, social justice is upheld, and workers can claim their just share from the fruits of their labor. Power to the unions!
Congratulations to 41 years if research, information, and education for the Filipino people. Congratulations, IBON Foundation!
The #PeopleEconomics #MayMagagawa booklet (in English and Filipino) is now available! Visit bit.ly/IBONPEBooklet to download your copy!