DATOS July 2025 issue
Sa isyung ito ng DATOS (July 2025), binigyang-pansin ng mga editor at manunulat ang usapin ng pambansang industriyalisasyon. Mayaman ang bansa sa rekurso ngunit nananatili ang ekonomiya ng Pilipinas na agraryo, atrasado, at may malapyudal na katangian. Kasabay nito, ang Pilipinas ay nagluluwas ng murang hilaw na materyales tulad ng mga pananim na pang-agrikultura, mineral ores, at lakas-paggawa. Mula sa mga konkretong kalagayan na ito ay nakasalalay inilalatag ang kahalagahan ng pagpapatupad ng tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon upang makamit ang tunay na pag-unlad para sa masang anakpawis.